""
Malimit nating nakikita, naririnig, napapanood sa TV maging sa ating paligid araw-araw, ang mga kababayan nating nagsisigawan sa tuwa at saya. Nagsasabing "I am proud to be Pinoy".
Dahil:
nanalo ang isang boksidor sa ibang bansa.
pinakanta ang isang singer sa isang malaking okasyon sa ibang bansa.
nagkamit ng korona ang isang magandang pilipina sa isang kompetesyon ng ganda at talino sa ibang bansa.
nanalo kuponan ng bansa sa isang pandaigdigang tagisan sa isports.
Sabagay, nakakaproud nga naman talaga. Pero nasubukan nyo nabang maging proud sa sarili nyo? Yun bang nasabi nyo sa sarili nyong "Proud akong maging ako!" at saka mo dugtungan ng "at Pinlipino ako!".
Alam mo ba kung paano mo masasabi ang mga katagang yan ng may kumpyansa at taas noo?
Unahin mong mahalin at hangaan ang bayan at kababayan mo. Ang bayan mo na sa totoong buhay ay naghihirap, sa likod ng mga plastik na bungisngis at tawa ng mga artista na minamahal mo, na tinatamasa ang masarap na buhay dahil sa pag-iidolo mo sa kanila at nang napakaraming gaya mo! na gumagastos ng pamasahe kada may mallshows, bumibili ng mga albums na me mga kantang wlang kwenta ang mga liriko.
Isipin mo nga, kung ilang libo o milyon kayong nahuhumaling sa mga yan, at na gumagastos ng libo-libo. Siguro nakuha mo na ang punto ko, Pilipino.
No comments:
Post a Comment