Tito Sotto, the genius, nagsabing di daw siya ang nagsingit ng Libel sa Cybercrime Law.
Si Bart Simpson, nanalo sa eleksyon at naluklok sa pwesto sa gobyerno dahil sa pangako nyang ipapatupad ang Freedom of Information Bill, at sinabing ito ang kanyang prayoridad. Pero ngayon, di na binabanggit ang Freedon of Information ni sa panaginip nya.
Chiz Escudero, boy matalino. Pumirma at sumuporta sa Cybercrime Law noong wala pang umaalma sa maaring resulta ng batas para sa mga ordinaryong tao na mahilig magsambulat ng opinyon. Ngayong marami nang nagreklamo, di daw nya nabasa yung parte na may libel kaya sya pumirma. OJT cguro.
Anti Cybercrime Law, batas na nilikha daw para maprotektahan ang maraming tao, sabi ni Angara. Pero ang tingin ng mga taong gising sa katotohanan dito ay isang paraan para tuluyang takpan ang mata ng masa kung ano talaga ang nangyayari sa pera ng bayan.
Tito Sotto, galit sa mga taong nanira sa kanya noong panahong nahuli ang kanyang istilo na nangongopya at nang-aangkin ng mga speech na hindi kanya. Hindi umaamin na nangopya sya.